Home Entertainment Kathryn Bernardo and Daniel Padilla renew ties with ABS-CBN

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla renew ties with ABS-CBN

Nakalinya ang mga proyekto ngayong 2020 sa tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na muling pumirma ng kontrata bilang contract stars ng ABS-CBN.

Una na dito ang kanilang pagbabalik-teleserye na isa sa mga inaabangan ngayon ng KathNiel fans.

Ayon kay Kathryn at Daniel, tuloy ang conceptualization nila sa kanilang unang proyekto together sa Dreamscape.

“Actually, hindi pa namin alam kung ‘yun ang final title kasi ‘yun ang na-play ‘di ba? Pero pinafinalize pa lahat,” kwento ni Kathryn.

At sa kanilang muling balik-tambalan ngayong 2020 para sa isang teleserye, asahan na level up muli ang kanilang mga gagamapan na roles.

“Siguro it’s gonna be something fresh, kasi medyo matagal rin kami hindi nakapag-trabaho and ngayon, may-trabaho ulit kami siyempre iniintay rin namin ‘to mangyari.

“And we’re sure na ang fans, very excited rin na makita kami magkasama, at personally, excited rin kami magtrabho-ulit,” sabi ni Daniel.

Bukod sa nalalapit na balik-teleserye, todo suportahan rin sina Daniel at Kathryn sa kani-kanilang solo projects.

Isa na dito ang pelikula ni Daniel kasama ang veteran at award winning actress na si Charo Santos na “Whether the Weather is Fine.”

“Excited ako dito para sa movie niya. Ibang team. Dumalaw ako sa set niya, and alam mo ‘yun hindi siya yung the usual na usually pag sa Star Cinema kilala mo lahat, Ito as in younger ‘yung sa story and sa set nila sobrang ganda, so kailangan nila abangan,” sabi ng aktres.

Bukod sa teleserye, isang pelikula rin ang nakatakdang gawin ni Kathryn at Daniel bago magtapos ang 2020.

soure ; push.abs-cbn.com