Home Entertainment Louise delos Reyes, umamin nang nakikipag-live-in sa non-showbiz boyfriend

Louise delos Reyes, umamin nang nakikipag-live-in sa non-showbiz boyfriend

Kausap ang mga showbiz reporter, umamin si Louise delos Reyes, 27, na nagli-live-in na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ani Louise isang taon na rin silang nagli-live in ng boyfriend niyang isang arkitekto at bar owner.

Bukod sa boyfriend may kasama pa silang dalawang tao na katulong din nila sa pagrenta at sa mga gastusin sa bahay.

Para kay Louise, praktikal daw ang pakikipag-live-in sa boyfriend. Lalo na ngayong wala na siyang parents at may pamilya na rin ang mga kapatid niya.

Nagkakakilala sila nang husto ng boyfriend, bago pa sila tuluyang maging mag-asawa at magkaanak.

Wala pa naman daw sa plano nila ang magkaanak at pinanghahawakan pa rin niya ang values na naituro sa kanya ng magulang na “kasal muna, bago anak.”

Pero sa kabila nito, hindi niya raw nire-recommend ang pakikipag-live-in sa mga magkasintahan.

“Kapag nasa tamang edad ka na at alam mo yung desisyon mo, hindi ka yung basta, ‘I want to be with my boyfriend, we’re gonna live-in, mahal namin ang isa’t isa.’

“No. Because there’s a lot of responsibilities,” pagwawakas ng My Bakit List star.

soure ; pep.ph