Home Entertainment Mayor Vico Sotto, Gretchen Ho scene-stealers in SEA Games volleyball opening match

Mayor Vico Sotto, Gretchen Ho scene-stealers in SEA Games volleyball opening match

Agaw-atensiyon ang pagtatabi nina Pasig Mayor Vico Sotto, 30, at ABS-CBN host Gretchen Ho, 29, sa panonood ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games opening match ng women’s volleyball sa PhilSports Arena nitong Martes, December 3.

Sa kabila ng intense na laban sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam, hindi pinalampas ng ibang nanonood na makunan ng larawan sina Vico at Gretchen.

Kaagad ding kumalat sa social media ang mga larawan ng dalawa.

Nakunan din sila ng camera ng ABS-CBN sports channel na nagko-cover ng volleyball match.

Sa nasabing laro, na umabot sa five sets, ay nanaig ang Vietnam laban sa Pilipinas.

Si Gretchen ay nagko-cover ng SEA Games bilang reporter ng ABS-CBN.

Dati rin siyang miyembro ng Ateneo Lady Eagles volleyball team.

Nag-graduate si Gretchen sa Ateneo ng kursong BS Management Engineering and AB Communication, Minor in Development Management.

Si Vico naman ay Politicial Science graduate sa Ateneo rin.

Sa mga larawang kumalat sa social media, makikita ang dalawa na focused sa panonood ng laro.

May larawan din sila habang nag-uusap.

Makikita rin na nasa bandang kanan ni Gretchen ang actor-politician na si Ormoc City Mayor Richard Gomez at ang kabiyak nitong si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.

Si Richard ay naging fencing athlete sa SEA Games 1995 na ginanap sa Chiang Mai, Thailand.

Nag-tweet din si Gretchen na maging ang It’s Showtime host na si Vice Ganda ay nanood ng laban ng Pilipinas at Vietnam.

NETIZENS REACT POSITIVELY TO GRETCHEN-VICO SIGHTING
Sunud-sunod naman ang reaksiyon ng netizens sa mga kumalat na larawan nina Vico at Gretchen.

Marami sa kanila ay tinutukso ang dalawa.

Ang iba namang may malikot na pag-iisip ay nakaisip agad ng itatawag sa tambalan ng dalawa, kagaya ng ViChen, Vechen, at VicHo.

Narito ang ilang reaksiyon ng netizens na kinikilig kina Vico at Gretchen:

soure ; pep.ph