Home Entertainment Baron Geisler at Jamie Marie Evangelista, ikinasal na sa Huwes

Baron Geisler at Jamie Marie Evangelista, ikinasal na sa Huwes

Nag-civil wedding sina Baron Geisler at Jamie Marie Evangelista nitong Setyembre 12, Huwebes ng 11 A.M. sa Quezon City Hall.

Ang nagkasal sa kanila ay si Judge Arthur Malabaguio.

Platinum ang kanilang wedding ring.

Naka-engrave doon, “Matthew 19:6 Baron & Jamie.”

Kuwento ni Baron nang maka-chat namin nitong Friday the 13th ng gabi, “Got the very special rings from AMI jewels located in Greenhills. Mabigat yung rings.

“We wanted a classic Tiffany style, buti na lang, sobrang bait ni Arlene my friend and owner so she gave me good deal.”

Opo! Matagal-tagal ding pinag-ipunan ni Baron ang mga singsing!

Hindi pa nakapag-celebrate ang newlyweds nang rumampa sila sa red carpet ng Sine Sandaan noong Thursday night sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

Next year ang kanilang church wedding.

Doon pa lang sila magkakaroon ng pagdiriwang kasama ang mga kapamilya at kaibigan—sa Cebu, sa Manila, o sa parehong lugar.

NOEL FERRER
Love conquers all—pati lindol nitong Friday the 13th!

Congratulations and best wishes, Baron & Jamie!

JERRY OLEA
Friday the 13th (of September) ng umaga, ipinost ni Jamie sa Facebook ang pitong litrato at ang Bible verse na Matthew 19:6, “So they are no longer two but one flesh.” B&J

Baron shared Jamie’s post on his FB wall. Andaming bumati na mga kaibigan nila.

Noong Setyembre 10, Martes, ay nainterbyu namin si Baron sa Pookaberry Cafe, Quezon City matapos siyang pagkalooban ng royal title na Datu.

Sinabi roon ni Baron na next year pa ang kasal nila ni Jamie. Gusto raw kasi ni Jamie na magpapayat muna.

Sabi pa ni Baron patungkol sa kanyang irog, “Actually, she’s God’s gift to me talaga…

“I am very blessed to have her in my life, kasi, I am not perfect. I am God’s work in progress.

“But I am striving to be the best version of myself. And without God by my side, and without her, I cannot make it.”

Kuwento ni Baron nang maka-chat namin nitong Friday night, “The reason also we want the ceremony next year is para maka-attend ang mom and sister ni Jamie na based sa America.

CONTINUE READING BELOW ↓

“Joke lang yung papayat. Hahaha!”

GORGY RULA
Mukhang pursigido si Baron sa pagbabago niya.

Sana, tuluy-tuloy na ito lalo na’t magkaka-baby na sila.

Bukod pa riyan, laging sinasabi ni Baron sa mga huling interview niya na magpapalaganap siya ng peace, unity and prosperity.

Mas maganda dahil sinimulan niya ito sa kanyang sarili.

soure ; pep.ph