Home Entertainment Bea Alonzo, ginulat ang publiko sa bago niyang “look”!

Bea Alonzo, ginulat ang publiko sa bago niyang “look”!

Ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo ay naging tahimik buhat nang huling post niya patungkol sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig. Mas pinili pa niyang ipagpatuloy na lamang niya ang kaniyang buhay at manatili sa tabi ng mga tao na nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya. Hindi batid ng marami na sa kasalukuyan ay nagtetaping na sila ng bago nilang teleserye kasama ang isa pang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.

Ang ilang mga larawan ng aktres ay kuha sa usang fish port sa General Santos City na kuha ng ilan sa mga tagahanga at taga-suporta ng aktres. Nito lamang Setyembre 3 nang lumipad sa GenSan sina Bea at Richard kasama pa ang ilang cast ng nasabing teleserye na sina Jennica Garcia at Rafael Russel. Base na rin sa mga larawan ay mapapansin ang maiksinh buhok ni Bea dahil sa nakasuot na wig nito para sa kaniyang karakter.

Ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram na magsisimula siyang magtaping para sa kaniyang bagong proyekto sa Setyembre 4. Nilagyan niya ng caption ang kaniyang pinost na larawan at kaniyang sinabi:

“Embarking on a new adventure! We’re going to start taping for our new teleserye tomorrow! There are so many things going on, so many projects to look forward to and I am enjoying every opportunity that is entrusted to me. Sabi nga nila, TRUST THE JOURNEY.”

Sa ngayon ay talagang pinag-uusapan ng marami ang bagong look na ito ni Bea. Ang kaniyang maiksing buhok at masayang mga ngiti ang talaga namang pumukaw sa atensyon ng maraming netizens. Sadyang lalo siyang gumaganda sa kabila ng mga problemang dumarating sa kaniyang buhay. At talaga nga namang mas dumarami din ang kaniyang mga proyekto at trabaho sa ngayon.

Si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom o mas kilala ng publiko bilang si Bea Alonzo ay 31 taong gulang na aktres, host, at endorser. Isa rin siya sa mga pangunahing aktres ng Kapamilya network