Home Entertainment Coco Martin confirms negotiations with Hollywood actors to guest in Ang Probinsyano

Coco Martin confirms negotiations with Hollywood actors to guest in Ang Probinsyano

Mag-aapat na taon na ang primetime series ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano, at nananatili itong number one sa TV ratings.

“Masaya siyempre,” pakli ni Coco sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema nitong Setyembre 12, Huwebes ng gabi, sa New Frontier Theater, Quezon City.

Patuloy ng Kapamilya actor, “Ngayon nga, ginagawa namin ito talaga para ma-inspire ang mga Pilipino, lalung-lalo na yung mga manonood gabi-gabi para mapasaya sila.

“Sana, humaba pa.

“Sana, makagawa pa kami ng magagandang kuwento para lalo silang ma-inspire.”

Ideya ni Coco ang napabalitang may Hollywood actors na magge-guest sa pinagbibidahang serye.

“Mahirap kasing magsalita agad, e. Kasi, mahaba pa ang tatakbuhin niya.

“Halos lahat na yata, nagawa na namin.

“Alam naman natin ang mga Pilipino, hindi natin sila titipirin.

“Kung anuman ang naiisip natin para mapaganda pa ang Probinsyano, gagawin natin yun.

“Mayroon na kaming mga Hollywood actors na kinakausap.

“Actually, mayroon nang mga umoo pero under negotiations pa.

“Magsu-shooting kami sa abroad, ‘tapos dadalhin dito.”

ONE OF 300 LUMINARIES
Isa si Coco sa 300 luminaries na pinagpugayan sa Sine Sandaan dahil sa kontribusyon at pagmamalasakit niya sa industriya.

“Actually, blessing sa akin. Kungdi ako nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa industriyang ito, kungdi ako nabigyan ng puwang, siguro, wala ako ngayon.

“Siguro, nagtatrabaho ako nang ordinaryo, waiter, o kung ano pa man.

“Sabi ko nga, kung hindi dahil sa pelikulang Pilipino, hindi nabago ang buhay ko.

“Natupad ang mga pangarap ko, naayos ko ang pamilya ko, kung kaya tinatanaw ko ito na malaking-malaki na utang na loob.

“Sabi ko nga, sa bawat trabaho na ginagawa ko, sinisigurado ko na pinaghihirapan ko at pinagbubuti ko yun dahil utang ko sa mga tao kung nasaan man ako ngayon.

“Kaya sana, sa bawat pelikulang ginagawa ko, naa-appreciate nila.

“Sana, natutuwa sila.”

MMFF MOVIE
Malapit nang matapos ang pelikulang pinagsasamahan nina Coco, Jennylyn Mercado, at Ai-Ai delas Alas, na aspiring entry sa 45th Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

“Tinatapos ko na. Siyempre, ang hinahangad ko at pinapangarap ko, sana, makapasok uli,” nakangiting lahad ni Coco.

“Matagal ko nang pangarap yun, bata pa lang ako na everytime makasali sa Metro Manila Film Fest. Sana, makapasok.”

soure ; pep.ph