Home Entertainment Isang Beauty Queen Dinuraan Daw Ang Kapwa Beauty Queen Sa Taping Nang...

Isang Beauty Queen Dinuraan Daw Ang Kapwa Beauty Queen Sa Taping Nang Dahil Sa Inggit?

Kamakailan lang, naging usapin ang pag-post ni Dianne Medina ng kaniyang blind ited sa kaniyang Facebook account nito lamang September 10.

Nagbigay din si Dianne sa kaniyang pahayag at sinabi na dinuruan umano ng isang babae ang isa sa kaniyang kamag-anak kahit na wala naman ito sa script ng kanilang teleserye.

Narito ang buong post ni Dianne:

Ngunit, maraming mga netizens ang nagtataka at nagtatanong kung sinong artista ang kaniyang tinutukoy sa kaniyang post.

At kamakailan lamang, nitong Setyembre 11, Miyerkules, sinagot ng artikulo ng balita.net.ph kung sino nga ba ang mga tao na nasa likod ng mga pahayag ni Dianne. Ayon sa entertainment columnist na si Reggee Bonoan, mayroon diumanong hidwaan ang nagaganap sa pagitan ni Kylie Versoza at Maxine Medina.

Sinabi din sa artikulo na dinuraan ni Kylie si Maxine kahit wala naman ito sa script ng kanilang ongoing na teleserye na “Los Bastardos.”

Base din sa artikulo, hindi din umano nagbigay ng paumanhin si Kylie sa kaniyang ginawang pagdura kay Maxine kung saan ito ay mas lalong kinasama ng loob ni Maxine.

Dahil na din daw sa sama ng loob, ibinahagi ni Maxine ito sa pinsan niyang si Dianne kung saan ito ay idinaan ni Dianne sa pag-post ng isang blind item sa kaniyang Facebook account.

Si Kylie Versoza at Maxine Medina ay parehong nagwagi sa Bb. Pilipinas 2016, si Maxine ang nakasungkit ng title bilang Miss Universe Philippines 2016 habang si Kylie naman ay nakakakamit ng title bilang Bb. Pilipinas-International 2016 at siya din ang nag-uwi ng title bilang Miss International 2016.

Ngunit hanggang ngayon si Kylie at Maxine ay parehong nananatiling tahimik sa isyu at hindi pa din nagbibigay ng kanilang pahayag ukol dito.

soure ; howtocare.net