Home Entertainment Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli to spend sixth anniversary in Bali, Indonesia?

Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli to spend sixth anniversary in Bali, Indonesia?

Tila nakaugalian na ng magkasintahang Sarah Geronimo, 31, at Matteo Guidicelli, 29, na mag-travel sa tuwing sasapit ng kanilang anibersaryo bilang selebrasyon at magkaroon ng quality time together.

Para sa kanilang sixth anniversary, pinili umano ng showbiz couple na magbakasyon sa Bali, Indonesia.

Nitong Huwebes, September 12, 2019 ay kumalat sa social media ang larawan ng magkasintahan habang nakapila sa airport terminal.

Ipinost din sa fan accounts nina Sarah at Matteo ang pagpapa-picture ng ibang pasahero sa kanila.

Sa isang larawan ay makikitang parehong nakaitim sina Matteo at Sarah, na nakikipag-usap sa airport personnel tungkol sa kanilang check-in baggage.

May isang netizen na nagkomento na nakasabay niya umano ang “lovebirds” sa pila ng immigration sa Terminal 2 para sa flight papuntang Bali, Indonesia.

Ipinagdiriwang nina Sarah at Matteo ang kanilang sixth anniversary ngayong September 2019.

Kinilig naman ang ilang fans ng dalawa at binati sa kanilang anibersaryo.

Masaya raw sila na nabibigyan ng pagkakataon ang magkasintahan na magkaroon ng quality time at tinukso pang magpakasal na.

ASHMATT TRAVELS
Noong 2018, ipinagdiwang nina Sarah at Matteo ang kanilang fifth anniversary sa pamamagitan ng trip sa Europe.

Nagtungo rin ang dalawa sa Italy, kung saan binisita nila ang mga kamag-anak ni Matteo, na isang Filipino-Italian.

Noong 2013 naman ay nag-nature tripping ang dalawa sa Oslob, Cebu, para sa kanilang third anniversary.

Ipinost pa ni Matteo sa Instagram ang larawan nila ni Sarah habang nag-i-snorkelling kasama ang dalawang whale sharks.

soure ; pep.ph