Home Entertainment Kylie Verzosa, “na-carried away” sa eksena kaya naduraan si Maxine Medina

Kylie Verzosa, “na-carried away” sa eksena kaya naduraan si Maxine Medina

“Na-carried away” si Miss International 2016 Kylie Verzosa sa confrontation scene nila ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa Los Bastardos kaya naduraan niya ang kapwa beauty queen.

Ito ang dahilang ibinigay ng source ng Cabinet Files tungkol sa pinag-uusapang insidente na nag-umpisa sa blind item ni Dianne Medina sa Facebook post nito.

Pinsan ni Maxine si Dianne kaya ito ang naglabas noong September 10 ng blind item na “Da who itong artista na nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, RESPECT pls Minsan lang ako status Girl, wag ang pamilya ko!”

Nasaktan si Maxine sa nangyari, pero naniniwala itong magkakaayos sila ni Kylie na hindi lamang niya co-star sa Los Bastardos dahil batchmates din sila sa 53rd edition ng Binibining Pilipinas noong 2016.

Sinabi ng Cabinet Files informant na walang personal na hidwaan sina Maxine at Kylie.

Nagkataon lang daw talagang nadala si Kylie sa kanilang eksena, lalo pa’t noon pa sila nagkakaroon ng mga fight scene sa Los Bastardos.

CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, nag-apologize na si Kylie kay Maxine dahil sa nangyari at pinagbawalan na ang dalawang magsalita tungkol sa insidente kaya inaasahang matatapos na ang kontrobersya.

Idinagdag ng Cabinet Files source na magkasama sina Kylie at Maxine sa taping ng afternoon television series nila sa ABS-CBN kahapon, September 12.

soure ; pep.ph