Home Entertainment Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Ibinahagi ang Dahilan ng Matatag na Relasyon...

Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Ibinahagi ang Dahilan ng Matatag na Relasyon Nilang Mag-asawa

Naging usap-usapan ng mga netizens sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez matapos nilang ibahagi ang kwento ng kanilang buhay mag-asawa sa media na talaga namang nainspire ang mga netizens dahil na rin sa pagiging loyal ng aktor sa kanyang asawa.

Halos mahigit 21 years na ang pag-iibigan nina Tonton at Glydel kung saan anim na taon sila bilang magkasintahan at 15 na taon naman bilang mag-asawa. Sa isang report, ang sikreto pala ng dalawa para sa matagal na relasyon ay ang communication at pagtitiwala sa isa’t isa.


Image Courtesy: instagram.com/glydelmercado/

“Relax lang kami, that’s the secret behind it,” kwento ni Tonton.


Image Courtesy: instagram.com/glydelmercado/

Ayon naman kay Glydel, lagi raw open ang komunikasyon nilang dalawa tungkol sa kanilang mga projects at sakanilang mga anak pati na rin kung paano nila i-manage ang kanilang business kaya madalas ay relax ang kanilang relasyon.

“walang taguan, everything is open.” dagdag ni Glydel.


Image Courtesy: instagram.com/glydelmercado/

Hindi rin daw siya katulad ng iba na madalas magselos at hindi niya pinapatulan ang mga nang-iintrga sakanya. Kung mayroon man siyang narinig na balita o usap-usapan tungkol sa kanyang asawa, kinukumpirma raw niya ito kay Tonton dahil alam naman niyang nagsasabi ito ng totoo.


Image Courtesy: instagram.com/glydelmercado/

Ibinahagi rin niya kung anong klaseng asawa si Tonton at kung paano niya tratuhin ang kanyang mga anak. Madalas daw itong hindi nakik-mingle sa kanyang mga ka-showbiz partners at mas gusto ng aktor na umuwi na lamang sa bahay ng maka-bonding ang kanyanga dalawang babaeng anak na sina Aneeza at Aneeka.


Image Courtesy: instagram.com/glydelmercado/

Confident si Glydel na hindi magloloko o magchi-cheat ang kanyang asawa na si Tonton. Kung sakali mayroong silang hindi pagkakaintindihan, naghahanap ang dalawa ng solusyon upang mas maintindihan nila ang isa’t isa.

“We try to sort things out, not fight over them. We try to find solutions to problems together,” pagbabahagi ni Tonton.

Image Courtesy: instagram.com/glydelmercado/
Sa dinami-daming mga couples ang naghihiwalayan ngayon, ang dalawang ito ay nananatili padin inlove sa isa’t isa kagaya na lamang ng mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres at Charlene Gonzalez at Aga Muchlach na matatag pa rin ang relasyon ngayon.

Source: Glydel Mercado/Instagram