Home Entertainment Sharon Cuneta, Pinalaki ang mga Anak ng hindi maluho at may nakalaan...

Sharon Cuneta, Pinalaki ang mga Anak ng hindi maluho at may nakalaan na sapat na Budget Tuwing Nagsa-Shopping ang mga Bata

Sa pagiging successful ni Sharon Cuneta sa kanyang buhay artista, hindi natin mapagkakaila na isa siya sa pinaka mayaman na artista sa mundo ng Showbiz. Bukod sa kanyang talento sa pagkanta at pag arte, kilala din si Sharon sa pagiging humble at mabait sa kanyang mga kaibigan kaya talaga namang blessed ang Megastar sa kanyang buhay.

Kahit na afford naman ng aktres ang mga gamit ng kanyang mga anak, alam niyo ba na si Sharon Cuneta ay nagse-set rin pala ng budget para sa kanyang mga anak?


Image Courtesy: instagram/reallysharoncuneta/

Isang post ang ibinahagi ni Sharon sa kanyang Instagram account kamakailan lamang na ikinatuwa ng kanyang mga fans dahil sa pagpapalaki niya ng tama sa kanyang mga anak.


Image Courtesy: instagram/reallysharoncuneta/


Image Courtesy: instagram/reallysharoncuneta/

Ayon sa post, binilhan ni Sharon ang anak na si Frankie ng branded at mamahaling Prada sneakers bago ito pumasok sa college bilang regalo sa kanyang anak dahil paminsan minsan niya lamang ito binibilhan ng mamahaling gamit.


Image Courtesy: instagram/reallysharoncuneta/

Ibinahagi din ng aktres kung paano niya pinalaki ng tama ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pag-set ng budget pangshopping ng mga bata upang hindi sila lumaking spoiled at matutunan nila ang value ng pinaghirapang pera o hard earned money. Bukod pa rito, kakaunti lamang daw ang mga expensive pieces ng kanyang mga anak. Ang dahilan ni Sharon ay para matuto ang mga bata na maging appreciative sa mga bagay kung sakali man mabigyan sila ng mamahaling kagamitan. d


Image Courtesy: instagram/reallysharoncuneta/

Laking pasasalamat na lamang ni Sharon at hindi siya nahirapan sa teenage years ni Frankie dahil lumaki itong isang napakabuting anak.


Image Courtesy: instagram/reallysharoncuneta/

Maraming netizens ang natuwa at pinuri ang aktres sa klase ng pagpapalaki niya sa mga bata dahil kahit na mayaman raw ito ay nagse-set parin ng limit ng aktres upang matutunan nilang pahalagahan ang pera na pinaghirapan.


Image Courtesy: instagram/reallysharoncuneta/

Sa kasalukuyan ay unti-unting nakikilala si Frankie sa Showbiz Industry at sunod sunod na rin ang kanyang mga endorsements na talaga namang inaabangan ng mga fans ni Sharon. Kakatapos lamang din makagraduate ni Frankie sa Highschool at malapit na siyang lumipad sa New York upang doon mag-aral ng kolehiyo.

Source: therecoverycrate.com