Home Entertainment Aktres na si KC Concepcion binatikos ng ilang netizen dahil sa istilo...

Aktres na si KC Concepcion binatikos ng ilang netizen dahil sa istilo ng pag-upo nito!

Kilala si KC Concepcion bilang isang magaling na aktres at mang-aawit. Siya rin ang “National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme”. Siya ay si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion sa tunay na buhay, anak ng mga beteranong artista na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang komento ng netizen patungkol sa istilo ng pag-upo ng aktres. Mapapansin sa larawan ang komportableng pag-upo ng aktres ngunit ilang mga netizen ang tila hindi natuwa sa larawan niyang ito.

Dahil ang ilan ay nagkomentong dapat sana ay naupo siya nang maayos na tulad ng isang matinong dalaga. Habang mayroon namang nagsabi na hindi dapat siya naglalabas ng masyadong balat sa social media. Ang larawan niyang ito ay mayroong caption na:
“Ready for the new week ahead? Ohhh, I know you are.”

Sa kabila nang mga negatibong komentong ito ng ibang tao sa kaniya ay nanatili pa rin itong masaya dahil wala naman siyang tinatapakang tao o ginawang masama sa kaniyang kapwa. Mayroon din naman siyang mga taga-hanga at taga-suporta na pinuri ang kaniyang pagiging totoong tao. Marami din naman ang nakapansin sa natural na ganda ng aktres may make-up man o wala. Labis ding hinahangaan ang makinis niyang balat at maamo niyang mga mata.

Tunay ngang anuman ang gawin ng isang tao ay hindi ito magiging kaaya-aya sa paningin ng mga taong may inggit sa kaniya o di kaya naman ay tanging mga mali at negatibong bagay lamang ang nakikita sa kaniya. Mas mainam pa na magpasalamat na lamang sa anumang mga pagpapala ang mayroon tayo sa halip na pagtuunan natin ng pansin ang kaligayahan at nais gawin ng mga tao sa ating kapaligiran maging artista man, sikat na personalidad o simpleng tao lamang. Hindi ba’t kaysarap sa pakiramdam nang wala kang inaagrabyado, nilalait, o ginagawang masama sa kapwa mo tao?

soure ; juantambayan.me