Home Entertainment Then and now: Dating aktres Joyce Jimenez matapos iwan ang showbiz

Then and now: Dating aktres Joyce Jimenez matapos iwan ang showbiz

Kung mahilig kang manood ng pelikula o madalas magbasa ng magasin noong dekada 90, imposibleng hindi mo kilala ang tinaguriang “Pantasya ng Bayan” na si Joyce Jimenez o Joyce Herrin Reintegrado-Egbalic sa tunay na buhay.

Ang kanyang mala-diyosang ganda at hubog, gayundin ang natural charm at talent na mayroon siya, ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit hinangaan si Joyce ng marami.

Ilan sa mga naging pelikula niya ay ang “Sumigaw Ka Hanggang Gusto Mo”, “Narinig Mo Na Ba ang L8est?”, “Lapu-Lapu”, at “Pinay Pie”. Nakatrabaho niya ang ilan sa pinakamalalaking aktor sa industriya, kabilang na sina Richard Gomez, Albert Martinez, Jomari Yllana, Diether Ocampo, at Aga Muhlach.

Nakatanggap din siya ng “Ms. RP Movies” award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Gayunman, noong taong 2008, iniwan ng aktres ang Philippine entertainment industry upang mamuhay nang simple at malayo sa kinang ng buhay-artista. Pinakasalan niya noong August 2008 ang kanyang kasintahang si Paul Ely Egbalic. Pagkatapos nito ay nanirahan ang dalawa sa United States at sa kalaunan ay lumipat sa San Diego, California.

Mahigit isang dekada na rin ang nakararaan simula noon. Sa kasalukuyan, masayang namumuhay ang mag-asawa kasama ang kanilang tatlong anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson.

Madalas siyang magbahagi ng mga larawan nilang mag-anak at kitang-kita kung gaano sila kasaya sa buhay na mayroon sila. Hindi rin maitatanggi na wala pa ring kakupas-kupas ang kagandahan ng dating aktres.

Throwback. Handog ng Star Cinema ang supercut version ng isa sa mga pelikulang kinatatampukan ni Joyce:

Source :Facebook,