Home Entertainment Hello, Love, Goodbye nalampasan na ang box-office record ng The Hows of...

Hello, Love, Goodbye nalampasan na ang box-office record ng The Hows of Us sa North America?

As of August 14, balitang umabot na sa PHP560 million ang kinita ng Hello, Love, Goodbye.
NOEL FERRER: Habang kinakausap ko ang contact natin sa mga sinehan, nakakalungkot na hindi pa rin tumatawid sa mass support ang indie films na nagbukas nitong Agosto 14, Miyerkules, sa commercial theaters.

Ayon sa nakalap namin, sa SM Cinemas ay almost PHP500,000 ang first-day gross ng Belle Douleur nina Mylene Dizon at Kit Thompson; almost PHP150,000 ang And I, Thank You ni Ai-Ai delas Alas; at PHP60,000 naman ang Malamaya nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda.

Ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, malakas pa rin.

After yesterday, August 14, balitang umabot na ito sa PHP560 million ang HLG.

Samantalang ang Indak nina Nadine Lustre at Sam Concepcion ay wala nang nakuhang figures at natanggal na sa karamihang SM cinemas.

Ang nanalo ng Palm d’Or sa Cannes 2019 na Parasite (mula sa South Korea), na may exclusive SM Cinemas release, ay naka-PHP300,000 naman daw.

Sana, dumami pa ang manonood ng magagandang pelikulang nag-open this week.

Sana makatulong ang Quezon City holiday sa Monday sa pagdami pa ng moviegoers. Harinawa.

JERRY OLEA: Nag-open din noong Miyerkules sa mga sinehan ang Dora and the Lost City of Gold.

Nakornihan ako sa live-action adventure ni Dora the Explorer, pero malamang sa alamang na matutuwa rito ang mga bulilit at tsikiting na avid followers niya.

Rumaratsada ang international screenings ng Hello, Love, Goodbye.

Nadadagdagan ang mga screening nito sa iba’t ibang bansa.

Totoo ba na naagaw nito sa The Hows of Us ang record bilang pinakamalakas na opening weekend ng isang Pinoy film sa North America?

Nasa ikatlong linggo na ang KathDen movie sa local theaters, pero kinabog pa nito ang mga bagong bukas na Malamaya, Belle Douleur, at And Ai, Thank You.

Sa Agosto 21, Miyerkules, mag-o-open ang Mina-anud nina Dennis Trillo at Jerald Napoles; Just A Stranger nina Anne Curtis at Marco Gumabao; ang animated comedy na The Angry Birds Movie 2; at ang maaksyong Angel Has Fallen nina Gerard Butler at Morgan Freeman.

GORGY RULA: Tila tanggap ng producers ng mga pelikulang nagbukas noong Miyerkules na hindi maganda ang kalalabasan ng mga ito sa takilya.

Pero hindi naman sana ganoon kababa. Makabawi lang sana sila nang konti, puwede na.

Sa totoo lang, talagang malakas pa rin sa ibang bansa ang Hello, Love, Goodbye. Ang kaibigan naming nakabase sa Vancouver, Canada ay hirap na hirap makabili ng tickets dahil laging sold out ito. Ewan kung nakabili na siya.

Abangan natin next week ang Mina-Anud, na sana ay mapukpok pa sa promo.

Kakaiba ang atake ng baguhang si Direk Kerwin Go sa isang kuwento na tumatalakay sa droga.

Naihalo niya ang comedy na nagampanan nang maayos nina Dennis Trillo, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli.

Si Matteo ang yummilicious sa pelikulang ito. Laging naka-topless.

Sana, tumulong sa pag-promote si Matteo.

Sana, maka-attend siya sa celebrity premiere nito sa Lunes, August 19, sa Greenhills Theater kung saan ise-celebrate ni Mother Lily ang kanyang 80th birthday.

soure ; pep.ph