Home Entertainment Heaven Peralejo confirms breakup with Jimuel Pacquiao; denies credit-card issue

Heaven Peralejo confirms breakup with Jimuel Pacquiao; denies credit-card issue

Heaven Peralejo denies using ex-boyfriend Jimuel Pacquaio’s credit card to buy groceries for her family: “Hindi ko alam kasi never din kaming nag-grocery together. So, I don’t know how it happened.”

Kinumpirma ni Heaven Peralejo, 19, na hiwalay na nga sila ng nobyong si Jimuel Pacquiao, 19.

Noong Hulyo 2019 ay umugong ang balitang hiwalay na sina Heaven at Jimuel matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.

Umamin lamang sila tungkol sa kanilang relasyon noong Marso 2019.

Pahayag ni Heaven sa panayam sa kanya sa Bandila ng ABS-CBN kagabi, August 14, “Breakup? Ito, okay naman.

“I’m focusing on myself, I’m loving myself.”

Kasabay ng pagputok ng balitang hiwalayan nila, may netizens na nagsabing baka raw ang dahilan ay ang paggamit diumano minsan ni Heaven sa credit card ni Jimuel sa paggu-grocery para sa kanyang pamilya.

Mariin naman itong itinanggi ng Kapamilya young star.

“Hindi naman po kasi totoo.

“Wait, gusto ko lang i-clarify yung sa grocery, as in never happened yun.

“Hindi ko alam kasi never din kaming nag-grocery together.

“So I don’t know how it happened.”

Nilinaw rin ni Heaven na wala siyang problema sa pamilya ni Jimuel, lalo na sa mga magulang nitong sina Senator Manny at Jinkee Pacquiao.

Aniya, “Okay naman kasi kami with the family, also with Tito Manny and Tita Jinkee.

“Sila mismo rin naman nagsabi na, ‘Okay naman.’

“And, ako naman kasi, ayoko ring manligaw yung guy na hindi accepted rin ng parents.”

WHAT WENT WRONG?
Ayaw namang magbigay ng detalye ni Heaven kung ano ang rason ng hiwalayan nila ni Jimuel.

Natatawa pa niyang sabi, “Siya tanungin niyo!

“Siya naman may ano, e… oo, siya na lang.”

Si Jimuel ba ang nakipaghiwalay sa kanya?

Tugon ni Heaven, “Sabihin na lang natin na ako ang nag-let go.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hunyo, sinabi ni Jimuel na wala talagang problema si Heaven sa mga magulang niya.

Pahayag ng panganay na anak ng Pambansang Kamao, “Na-meet naman po na nila.

“And they are very supportive kasi nakita naman nila na mabait si Heaven, na Christian.

“Christian po kaming dalawa. Nagtsi-Church po kami together.”

Dinepensahan din niya ang kasintahan sa akusasyong gold-digger” daw ito.

Saad ni Jimuel, “They don’t really know who she is, what she’s like.

“Ako, kilala ko po siya, si Heaven, kasi girlfriend ko siya.

“So, ang masasabi ko lang po ay… no way, she’s not!

“There’s no way na ganun siya.”

soure ; pep.ph