Home Entertainment Reaksyon ni Barbie Imperial sa mga litratong sinasabing hindi daw pantay ang...

Reaksyon ni Barbie Imperial sa mga litratong sinasabing hindi daw pantay ang hinaharap

Para sa mga kababaihan, karaniwan sa mga nagpupunta sa mga beach resorts ay nagsusuot ng mga swimwears o swimsuit. Sa pamamagitan nito ay maipagmamalaki ng mga kababaihan ang kagandahan ng kanilang katawan. Pero siyempre, hindi magagawa ito kung walang lakas ng loob.

May mga pagkakataon din na ibinabahagi sa social media ang mga larawan ng kasuotan sa beach. Pero talagang mapa-lalaki o mapa-babae bukod sa mukha ay mapapansin natin sa larawan ang hinaharap ng isang babae. Ibinahagi ni Barbie Imperial ang kanyang pagpunta sa isang beach resort na may suot na swimsuit. Ito ay ibinahagi sa Instagram at Twitter Accounts noong ika-18 ng Abril.

Makikita sa mga larawan na siya ay nakasuot ng swimwear pang-itaas na kulay asul at may maong na shorts. Mapapansin ang kanyang taglay na kaputian sa kanyang kasuotan. Maraming humanga sa kanyang kagandahan, sa mala-manika niyang mukha, sa kinis ng kanyang balat, sa kanyang kaputian, at sa magandang hubog ng katawan. Bagamat tinuligsa ng ibang netizens ang larawan patungkol sa hindi pantay na hinharap. Marami namang nag-depensa kay Barbie patungkol dito.

Isang netizen ang nagkomento sa post.
Ayon sa isang netizen:
“Hindi pantay boob ni Barbie?? Cheret.”

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa sa pagsagot si Barbie sa sinabi ng netizen na ito.

Ito ang sinagot niya:
“Bakit pati di pantay na dede sobrang big deal…”
Sinundan naman ang sagot na ito ng emoji na tumatawa.

Kahit na may nagkomentong ganito, may mga netizens din na nagbigay ng depensa patungkol dito.

Ayon sa isang netizen:
“Mas malaki ung dominant, example kung left handed ka mas malaki ung left kung right handed mas malaki ung right breast, 90% sa mga girl ganyan di pantay”

soure; juantambayan.me