Home Entertainment Emosyonal na post ni Gerald Anderson; nag-react ang publiko!

Emosyonal na post ni Gerald Anderson; nag-react ang publiko!

Muli na naman ngang napukaw ni Gerald Anderson ang atensyon ng maraming mga netizen dahil na rin sa kaniyang emosyonal na post sa kaniyang social media account. Ito ay matapos siyang magbahagi ng isang “quote” o sipi mula sa author na si Haruki Murakami. Ito ay tila isang pahayag patungkol sa mga bagyong dumarating sa kaniyang buhay ngayon. Ang nasabing pahayag ay patungkol sa pagharap sa unos, kung paano malalampasan ang bagyo na ito sa buhay, at ang pagiging bagong tao matapos ang pagsuong sa bagyong ito.

“Once the storm is over you won’t remember how you made it through, how you manage to survive. You won’t even be sure, in fact, whether the storm is really over. But one thing is certain. When you come out of the storm you won’t be the same person who walked in. That’s what this storm’s all about,” ito ang post ng kontrobersiyal na aktor sa kaniyang Instagram.

Matatandaang nagbigay ng payo ang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo para kay Gerald Anderson na sana ay magdasal siya palagi upang matulungan siya ng Diyos na maging isang mabuting tao. Ito ay matapos tanungins si Raffy patungkol sa kaniyang komento sa isyu ng mga sikat na personalidad na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Talaga namang pinag-usapan ng publiko ang isyu na ito at napakaraming mga netizen ang hindi mapigilan ang sariling komento patungkol sa diumano ay pagiging dahilan ni Julia Barretto sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Gayundin ang diumano ay pangloloko ni Gerald sa noon ay nobya niya na si Bea dahil na rin sa naging pahayag ni Bea sa isa sa kaniyang mga panayam na sa kaniyang pagkakaintindi ay hindi sila naghiwalay ng aktor kundi hindi lamang siya nito kinausap basta-basta. Nagkaroon pa nga ng popular na salitang “Ghosting” dahil sa kontrobersiyang ito.

Source: juantambayan.me