Home Entertainment Alden Richards, wala pang leading lady sa The Gift

Alden Richards, wala pang leading lady sa The Gift

Alden Richards sumailalim sa immersion bilang paghahanda sa kanyang role bilang bulag: “Nakaka-move lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga yung pakiramdam ng isang bulag.”
GORGY RULA: Nakaapat na araw na palang nagti-taping si Alden Richards para sa bago niyang Kapuso drama series na may working title na The Gift.

Sa Divisoria (na malinis at maayos na) sila nag-taping kasama ang ibang cast na sina Jean Garcia, Jo Berry, Mikee Quintos, Martin del Rosario, at Elizabeth Oropesa.

Ang latest na narinig ko, wala pa silang napipiling leading lady na gusto yata nila ay bagong mukha.

PHOTO: Courtesy of GMA Network

Pero kakaibang challenge ito kay Alden dahil isang bulag ang role niya sa bagong drama series.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, siya raw ang maghahatid dito ng inspirasyon at magdudulot ng positibong pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Bilang paghahanda sa gagampanan niyang karakter, sumabak ang bagong Box Office King sa immersion sa tulong at guidance ng Resources for the Blind Incorporated.

Isa itong NGO na tumutulong sa mga visually impaired.

Nakaka-excite ito para kay Alden.

“Nakaka-move lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga yung pakiramdam ng isang bulag,” pahayag ni Alden sa taping ng The Gift.

Sana raw, itong bago niyang teleserye ay magsilbing inspirasyon sa mga taong may kapansanan, lalo na sa mga bulag na puwede silang magbigay ng blessing sa ibang tao.

NOEL FERRER: With his enhanced skills na na-pick up niya sa kanyang experience with Star Cinema, Alden’s big challenge is to keep the momentum in his acting and mass appeal para mag-carry over sa kanyang teleserye.

After Victor Magtanggol, I hope The Gift will make it big for him as a solo star on GMA Primetime TV.

JERRY OLEA: The Gift ang title ng 2000 supernatural thriller film na idinirek ni Sam Raimi, maging ng 2015 psychological thriller film na idinirek ni Joel Edgerton.

Streaming sa iWant ang 2019 digital movie na The Gift, na bida sina Sharlene San Pedro at Nash Aguas.

May TV series din sana noon si Ogie Alcasid na The Gift sa TV5 kung saan may co-star siyang child actor, pero hindi iyon naipalabas.

Gifted si Alden bilang bagong hari ng takilya, kaya nawa’y umarangkada sa ratings ang bago niyang teleserye.

soure ; pep.ph