Home Entertainment Luis Manzano clarifies comment about Angel Locsin engagement

Luis Manzano clarifies comment about Angel Locsin engagement

Luis Manzano defends himself after receiving bashing from netizens over his response to question about former girlfriend Angel Locsin’s engagement to Neil Arce.

Nilinaw ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano ang kanyang pahayag tungkol sa engagement ng ex-girlfriend na si Angel Locsin sa film producer na si Neil Arce.

Ito ay pagkatapos niyang makatanggap ng matinding pambabatikos mula sa netizens.

Nagsimula ang isyu nang i-post ng PEP.ph contributor na si Melba Llanera ang video interview niya kay Luis sa YouTube noong July 10, Miyerkules.

Sa isang punto ng interview, tinanong si Luis hinggil sa engagement ni Angel.

Mabilis na sagot ni Luis, “Wala naman akong kinalaman sa kuwentong ‘yan.”

Tinanong din ang Minute To Win It host kung masaya ba siya para sa dating kasintahan.

Sa sagot dito ni Luis nag-react ang mga netizen na obviously ay supporters ni Angel.

Ayon sa netizens, sinabi raw ni Luis na “Wag niya akong idamay…” na tila ang tinutukoy nitong “niya” ay si Angel.

Kung gagamitin ang interpretasyon ng netizens, ang kalalabasan ng statement ni Luis ay ganito (naka-all caps ang isang salita upang ma-emphasize):

“Wag NIYA akong idamay sa kuwentong iyan.

“Ni hindi kailangan ng opinion ko diyan o ng pangalan ko diyan.

“Basta wala akong kinalaman sa kuwentong iyan.”

Dahil dito, tinawag ng netizens si Luis na “bitter” at sinabihan pang “mag-move on.”

LUIS MANZANO EXPLAINS HIS ANSWER
Sa pamamagitan ng Twitter ngayong Biyernes, July 12, nilinaw ni Luis ang kanyang sagot.

Sinabi ng ABS-CBN host-actor sa unang tweet niya na nagkaroon ng misinterpretation dahil hindi si Angel ang kanyang pinatutukuyan sa kanyang naging sagot.

Paglilinaw ni Luis: “Ang sabi ko ‘wag na’ (hindi niya) kami idamay sa kwento o love story nila

“ang kwento nila ay sa kanila, ang amin ay amin

“kaya wag na kami idamay ng ibang fans or press sa love story ng ibang tao.”

Sa kanyang pangalawang tweet, sinagot ni Luis ang isang netizen na ni-retweet pa ang bahagi ng video kung saan sinagot ng Kapamilya star ang tanong.

Aniya: “Or i may have said ‘wag niyo na’ ng mabilis kaya ganun tunog

“but ayan malinaw na what i said and meant ha”

Kung pagbabasehan ang paliwanag ni Luis, ganito ang kalalabasan ng kanyang buong pahayag sa video:

“Wag NIYO NA akong idamay sa kuwentong ‘yan.

May ilang netizens pa rin ang hindi naniwala sa paliwanag ni Luis at ipinagdiinang nagpapalusot lang daw siya o naghuhugas-kamay.

May iba namang ipinagtanggol siya at naniniwalang naging mabilis lang ang pagsasalita ni Luis.

Sa ikatlong pagkakataon, nag-tweet muli si Luis upang idiin at linawin ang mensahe ng kanyang sagot sa tanong.

“Uulitin ko lang, one for the road, last na 😉 i meant “wag niyo na” baka mabilis pagkakasabi ko kaya ganun labas 😉 ang love story nila ay kanila 😉 di na kelangan ng opinyon namin :)”

NEWS

by Bernie V. Franco posted on July 12, 2019

IMAGE Noel Orsal

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

Luis Manzano
@luckymanzano
Ang sabi ko “wag na” (hindi niya) kami idamay sa kwento o love story nila 🙂 ang kwento nila ay sa kanila, ang amin ay amin 😉 kaya wag na kami idamay ng ibang fans or press sa love story ng ibang tao 😉 https://twitter.com/princess_altc/status/1149465597366816771 …
Princess Minguito_TeamAngel
@princess_ALTC
Move-on na kya @luckymanzano 😂 nakakatanda lalo yang pagiging Bitter 😁 https://twitter.com/mharvzolivarez/status/1149459505115095041 …
143
8:23 AM – Jul 12, 2019
Twitter Ads info and privacy
16 people are talking about this
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang pangalawang tweet, sinagot ni Luis ang isang netizen na ni-retweet pa ang bahagi ng video kung saan sinagot ng Kapamilya star ang tanong.

Aniya: “Or i may have said ‘wag niyo na’ ng mabilis kaya ganun tunog

“but ayan malinaw na what i said and meant ha”

Luis Manzano
@luckymanzano
Or i may have said “wag niyo na” ng mabilis kaya ganun tunog but ayan malinaw na what i said and meant ha 😉 https://twitter.com/princess_altc/status/1149465597366816771 …
Princess Minguito_TeamAngel
@princess_ALTC
Move-on na kya @luckymanzano 😂 nakakatanda lalo yang pagiging Bitter 😁 https://twitter.com/mharvzolivarez/status/1149459505115095041 …
64
8:45 AM – Jul 12, 2019
Twitter Ads info and privacy
17 people are talking about this
Kung pagbabasehan ang paliwanag ni Luis, ganito ang kalalabasan ng kanyang buong pahayag sa video:

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

“Wag NIYO NA akong idamay sa kuwentong ‘yan.

“Ni hindi kailangan ng opinion ko diyan o ng pangalan ko diyan.

“Basta wala akong kinalaman sa kuwentong iyan.”

May ilang netizens pa rin ang hindi naniwala sa paliwanag ni Luis at ipinagdiinang nagpapalusot lang daw siya o naghuhugas-kamay.

May iba namang ipinagtanggol siya at naniniwalang naging mabilis lang ang pagsasalita ni Luis.

Sa ikatlong pagkakataon, nag-tweet muli si Luis upang idiin at linawin ang mensahe ng kanyang sagot sa tanong.

“Uulitin ko lang, one for the road, last na 😉 i meant “wag niyo na” baka mabilis pagkakasabi ko kaya ganun labas 😉 ang love story nila ay kanila 😉 di na kelangan ng opinyon namin :)”

Luis Manzano
@luckymanzano
Uulitin ko lang, one for the road, last na 😉 i meant “wag niyo na” baka mabilis pagkakasabi ko kaya ganun labas 😉 ang love story nila ay kanila 😉 di na kelangan ng opinyon namin 🙂 https://twitter.com/buchay4/status/1149515223323164672 …
Micah
@buchay4
Ghad inaano ka ba ni Angel🙄 that “wag NIYA ko idamay sa kwento niya”
Sorry pero hindi ka po nakakatuwa sa part na yan kuya @luckymanzano
Embedded video
108
10:18 AM – Jul 12, 2019
Twitter Ads info and privacy
47 people are talking about this
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

Unang nagkarelasyon sina Angel at Luis noong 2007. Naghiwalay noong 2009.

Nagkabalikan sila noong February 2014, subalit napabalitang naghiwalay muli noong January 2016.

Noong June 29, 2019, inanunsiyo nina Angel at Neil ang kanilang engagement.

Si Luis naman ay matatag pa rin ang relasyon sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

soure ; pep.ph