Home Entertainment Dahil Sa Paglalaro Ng Online Game, Pinay Domestic Helper At Foreigner Nakatuluyan...

Dahil Sa Paglalaro Ng Online Game, Pinay Domestic Helper At Foreigner Nakatuluyan At Nagpakasal

Wala talagang imposible pagdating sa love. At sino ba naman ang mag-aakala na sa isang simpleng laro o online game ay natagpuan ng isang domestic helper na Pinay ang kanyang forever sa isang foreinger.

Ang Pinay na taga Maguindanao na si Samra ay ilang taon din namamasukan bilang isang domestic helper sa Saudi Arabia. Ngunit ang kanyang trabaho ay hindi naging madali lalo na pa’t hindi siya pinapayagang ma day-off. Kaya naman upang maibsan ang pagkabagot at stress ay nagsimula siyang maglaro ng mobile games hanggang nahasa siya rito.

Isang araw sa isa sa kanyang mga battle, ay natalo niya ang isang professional gamer na taga Las Vegas na si Triston Wallin na isang American player. Dahil nacurious ang binata, ay kinilala niya ang tao sa likod ng karakter na nakatalo sa kanya.

Simula noon ay nagsimula na silang magtawagan sa video chat at hanggang may ipinaparamdam na ang foreigner sa kanya. Hindi nagtagal ay nagkamabutihan ang dalawa hanggang dumating ang isang araw na nagpropose si Triston sa isang video chat. At pinangakuan ng kasal si Samra pagkatapos matapos ang kontrata nito sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Noong una ay hindi pa sang-ayon si Samra dahil hindi pa naman sila pisikal na nagkita. Ngunit nang sumapit ang birthday ni Triston ay sinagot niya rin ito ng kanyang matamis na ‘oo’.

Kaya noong makauwi ng Pilipinas si Samra ay sinundan naman siya ni Triston, at nang sa airport pa lamang ay lumuhod na ito at pormal ng hiningi ang kamay ng dalaga. Dahil ang pamilya ni Samra ay Muslim, kailangang magpa-convert si Triston bago sila ikasal at bukas loob naman niya itong tinanggap.

Naganap ang kasalan dito sa Pilipinas hanggang nakapag-adapt na rin ang foreigner sa kultura ng kanyang napangasawa. Binanggit rin ni Triston na plano tulungang makakuha ng U.S. citizenship ang kanyang asawa upang sila ay manirahan na sa America.

soure ; thecampfirethoughts.com