Home Entertainment Gina Pareno, umaasang hindi tanggalin ang life support ni Eddie Garcia

Gina Pareno, umaasang hindi tanggalin ang life support ni Eddie Garcia

Kung si Gina Pareño ang tatanungin, ayaw niyang alisin sa life-support machine si Eddie Garcia.

Si Eddie ang leading man ni Gina sa critically-acclaimed movie na Hintayan ng Langit.

Kahit hindi pa rin nagbabago ang kritikal na kundisyon ni Eddie, naniniwala si Gina sa himala na posibleng mangyari dahil sa dami ng mga nagdarasal para sa kaligtasan ng multi-awarded actor.

“Sayang naman, bakit tatanggalin ang life support kung malakas pa ang puso niya? Baka puwede pa,” ang concerned na concerned na sabi ni Gina.

Patuloy raw na ipinagdarasal ng veteran actress si Eddie.

“Nagpadasal kami, nagpamisa kami for Eddie dito sa Marcelo Village, sa simbahan namin. Nag-offer kami ng Mass para sa kanya.

“Napanood ko kagabi sa Netflix yung Hintayan ng Langit, naku, yung mukha niya, lumalabas sa imagination ko, yung ospital, yung nangyari sa kanya,” sabi ni Gina.

Bakas sa boses ng beetranang aktres ang sobrang pag-aalala para kay Eddie nang makausap ng Cabinet Files.

“Ganoon talaga siguro, pero sayang si Eddie.

“Yun ang masakit, wala siyang sakit, ‘tapos ganoon ang nangyari,” sabi ng 69-year-old actress.

Hanggang ngayon ay walang driver si Gina dahil siya ang personal na nagmamaneho ng sasakyan sa tuwing pumupunta sa kanyang mga showbiz commitment.

Kapag matindi ang antok na nararamdaman habang nagmamaneho, ipinaparada ni Gina ang sasakyan niya sa mga gasoline station para umidlip at ma-recharge ang kanyang katawan.

“Hindi ako sanay na iba ang nagmamaneho ng sasakyan ko.

“Pero ngayon, may kasama na ako, ang anak ko na si Racquel.

“Hindi na niya ako pinapayagag mag-isa.”

Sabi pa niya, “Sa shooting o taping naman, kapag may mga eksena na ayokong gawin, sinasabi ko. Nagko-comedy ako.”

Sina Gina, Eddie, Gloria Romero, at Anita Linda ang ilan sa mga veteran actor na itinuturing na living treasures ng Philippine Cinema kaya dapat binibigyan ng mataas na respeto at pagpapahalaga.

soure ; pep.ph