Home Entertainment Kilala niyo pa ba si Badjao Girl? Ito na pala ang Kanyang...

Kilala niyo pa ba si Badjao Girl? Ito na pala ang Kanyang Buhay Ngayon Matapos Sumikat sa Social Media!

Naaalala niyo pa ba si “Badjao girl” na sumikat sa Social Media? Ang tunay niyang pangalan ay Rita Gaviola at naging viral siya noong taong 2016 matapos kumalat sa social media ang magaganda niyang litrato na kuha ng isang sikat na photographer na si Topher Quinto Burgos.

Ang nasabing larawan ay nakunan habang ipinagdiriwang ang Pahiyas Festival sa Lucban Quezon. Labing-tatlong taon lang noon ang dalaga at dahil dito ay nabigyan siya ng pagkakataon na sumali sa kilalang reality show sa telebisyon na “Pinoy Big Brother”.

Simula noon ay naging sikat na si Rita sa mga tao at sinubaybayan ang kaniyang buhay sa loob ng bahay ni Kuya at nagkaroon siya ng maraming fans. Isa na nga rito si Grace Kreutzer, nakatira sa Amerika. Sinagot niya ang pagpapagawa ng bahay ni Rita matapos niyang matanggal sa reality show.

Hindi matatawaran ang saya ng dalaga sa ginawang tulong sa kanya ni Grace at pinahayag niya ang saloobin sa kaniyang vlog at sinabing, ” Thank you so much Mommy Grace sa pagpapaayos ng bahay namin. May C.R na din po kami.”

Kolektor ng basura ang kaniyang ama samantalang housewife naman ang kaniyang ina at nag-aalaga ng kaniyang mga kapatid kaya naman buo ang loob at determinasyon ni Rita sa pagsusumikap na maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Hindi man nanalo sa nasabing reality show ay tuloy parin ang pag-abot ni Rita sa kaniyang mga pangarap at sa kasalukuyan ay abala siya sa kaniyang pag-aaral habang pinagsasabay ang schedule sa pagiging isang modelo.

Samantala, naging usap-usap naman ng mga netizens sa social media ang mga larawan ni Rita kasama ang lalaki na nagngangalang Gello Angelo Marquez, isang cosplayer at cover artist. Madalas din silang nakikitang magkasama sa mga pampublikong lugar kaya naman hindi maiwasan ng mga fans at ilang netizens na isiping may relasyon ang dalawa. Sa kasalukuyan ay wala pang kompirmasyon mula sa panig ng dalawa kung ano ang totoong estado ng relasyon nila. Gayun pa man, inaabangan nila ang pagbabalik sa telebisyon ng kanilang idolo na si “Badjao Girl”.

soure ; pinoyyan.com