Home Entertainment Silipin Ang Napakagandang Bahay Nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi sa Pasig...

Silipin Ang Napakagandang Bahay Nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi sa Pasig City

Binuksan ng magasawang Carmina Villaroel at Zoren Legazpi ang kanilang bahay sa Pasig City sa publiko. Marami ang humahanga sa pamilya nina Carmina at Zoren, ngunit mas nakakahanga ang kanilang tahanan.

Sa isang panayam ng Yes! Magazine, ibinahagi ni Zoren na ginagaya nilang pamilya ang pagiging masayahin at maaliwalas ng kanilang kambal ng anak na sina Cassy at Mavy kung kaya’t parang barkada ang kanilang turingan na mag-anak.

Ayon sa isang ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), sinabi ng magasawa na ang ganda ng kanilang bahay ay “goes beyond aesthetics.” “Sa tingin ko it’s not the house. Pakiramdam ko ‘yong energy na pagpasok nila sa house, ‘yong energy na naba-vibe nila inside the house, iyon ‘yon. Sinasabi ko nga sa kambal, ‘Ang kinaganda niyan, iyong mga taong nakatira sa loob,’” pahayag ni Zoren.

Sinabi rin ni Zoren na pinaliwanag niya sa kambak na ang isang bahay ay hindi isang tahanan kung hindi maayos ang komunikasyon sa isa’t-isa at ang nagpapaganda sa isang tahanan ay mga taong nakatira dito.

No matter how big your house is, kung lagi naman nag-aaway ang pamilya, hindi nag-uusap, walang communication, naglolokohan – it’s not really a home,” sabi ni Zoren.
Sinabi rin ni Carmina, “Gusto namin maging dating ng bahay na it’s not just a lovely home, but it’s a home. Iyong parang ganoon, yung super happy family.”

Totoo nga namang napaka maaliwalas ng bahay nina Carmina at Zoren. Sinabi ni Carmina na hindi na sila nag-hire ng interior designer para mapaganda ang kanilang bahay dahil mahilig mangolekta si Carmina ng home magazines kung kaya’t ang kanilang sala ay mukhang galing sa isang home journal.

Narito ang ilan sa mga litrato ng kanilang bahay sa Pasig City

May sariling kuwarto si Mavy na pinapaligiran ng asul at berdeng kulay. Habang pink naman ang kulay ng kuwarto ni Casy na puno ng mga manika at mga laruan ng Disney.

Binahagi ni Carmina na madalas niyang ginagawa ang kanyang emailing duties at internet surfing sa kanilang kuwarto. Malawak ang kanilang banyo habang ang kanilang closet ay matatagpuan sa attic ng kanilang bahay kung saan doon nakadisplay ang mga bags at sapatos ni Carmina.

Master’s Bathroom

May hardin din ang pamilya kung saan puwede silang magrelax at mageskapo sa gulo ng siyudad.

Bagama’t lumalabas na paminsan-minsan ang kambal sa telebisyon, nagagawa pa rin nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral.

SOURE ; famoustrends.net