Home Entertainment Silipin Ang Bahay Ng Pamilya Ni Yam Concepcion

Silipin Ang Bahay Ng Pamilya Ni Yam Concepcion

Nakilala si Yam Concepcion dahil sa kaniyang pagganap bilang Jade sa programang “Halik” kasama sina Yen Santos, Sam Milby at Jericho Rosales. Maliban pa rito, isa rin siyang modelo at endorser ng iba’t-ibang produkto. Nagsimula sa indie films si Yam bago tuluyang umusbong ang karera sa harap ng telebisyon.

Pero sa kabila ng matapang at kakaibang karakter niya sa Halik, napaka ganda pala ng tahanang kinalakihan ni Yam Concepcion. Makikita ang kanilang tahanan sa Paranaque City. 1,000sq ang sukat ng kanilang bahay na may dalawang palapag.

Pagpasok mo ng bahay, sasalubungin ka ng isang malaking kahoy na pinto na may pulang dingding. Pagpasok mo ay mapupunta ka kaagad sa malawak na sala ng kanilang tahanan. Napapalibutan naman ang kanilang bahay ng napakaraming halaman. Itinuturing na nila itong munting hardin.

Ang kanilang sala ay may isang malaking sofa na magkadikit. Tamang-tama ito para sa kanilang malaking pamilya. Makikita rin sa loob ng kanilang tahanan ang mga obra maestra na siYa mismo ang nagpinta. May mga vinyls rin sina Yam dahil mahilig silang makinig ng musika. May mga cassette tape rin silang magkakapatid na magpahanggang ngayon ay makikita pa rin sa kanilang bahay. At bilang isang musikero, may sariling music studio ang bahay nina Yam.

Simple lang rin naman ang kusina nina Yam. May high chair ito at halaman. Sa katunayan, ito raw ang pinaka paboritong parte ng bahay ni Yam. Nagtapos siya ng culinary arts sa The Center of Culinary Arts Manila sa Quezon City. Madalas niya raw lutuin ang pasta, steak at ibang appetizers.

Maganda ang kwarto ni Yam. Maaliwalas at malawak ang kwarto niya na nakakaapekto sa isang kwarto kung saan matatagpuan ang kanyang mga vinyl collections at ang kanyang paintings. 6 ang kwarto sa bahay nina Yam.

Lolo ni Yam ang nagdisenyo ng kanilang bahay kung saan makikita rito ang mga kagamitang gawa sa China. Maliban pa rito, punong-puno rin ng mga maliliit na kampana ang kanilang bahay. Nanggaling ito sa iba’t-ibang bansang kanyang napuntahan.

SOURE ; famoustrends.net