Home Entertainment Isinauli ng Bata ang Napulot na Wallet at Hindi Nito Inaasahan na...

Isinauli ng Bata ang Napulot na Wallet at Hindi Nito Inaasahan na Bibigyan Siya ng Scholarship Bilang Reward sa Kanyang Kabutihan

Ang kahirapan ay mababakas natin sa halos lahat ng sulok ng ating kapaligiran at ang nakakalungkot isipin ay parami ng parami ang apektado nito. Kabilang na nga dito ang mga batang walang muwang at walang magawa para labanan ang kahirapan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit dumarami ang mga krmen na kinasasangkutan ng mga kabataan dahil habang lumalaki ay natututo sila na kumita ng pera kahit na sa maling paraan para lang malagyan ng laman ang kumakalam na tyan.

Gayun pa man, marami pa rin namang mga mabubuting balita patungkol sa kanila ang nakikita natin sa telebisyon o sa social media kagaya na lamang ng isang kwento na naging viral kamakailan lang sa Facebook.

Ang nasabing balita ay patungkol sa mga batang nagsauli sa guwardiya ng isang wallet na may lamang mga pera. Ibinahagi ito ng isang lalaki na nagngangalang Xer Yoker at ayon sa kanyang Facebook post taga-Malabon di umano ang mga bata at hindi daw kanila ang wallet kaya minabuti nilang ibigay ito sa isang guwardiya. Makikita sa larawan na dalawa ang batang nagpakita ng kabutihang loob at ang isa nga sa kanila ay nagbiro pa at sinabing hindi daw nila binawasan ang mga pera.

Sa pagsisiyasat ng guwardiya ay mayroong nakalagay na driver’s license ID sa loob ng wallet at ito ay nakapangalan sa isang lalaki na si Sherwin Ayag Malasig. Umaabot din sa humigi’t kumulang isang libong piso ang kabuuan ng pera sa loob ng wallet na may tag-limampung piso, isang daan at limang daan.

Hindi tiyak kung sino ang kauna-unahang nagbahagi ng nasabing mga larawan sa Facebook ngunit siguradong ginawa nila ang bagay na ito upang una ay maipakita sa publiko ang kabayanihang ginawa ng dalawang bata na mas piniling gumawa ng kabutihan kahit na sila man din ay nangangailangan ng pera. Pangalawa ay sa pagbabakasakali na ring makarating ang balitang ito sa nagmamay-ari ng wallet at malaman niya ang ginawa ng mga bata sa nawala niyang gamit.

Maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa mga bata na hindi na pinangalanan pa at ang ilan nga sa kanila ay nagsabing hindi mo talaga maaring mahusgahan ang isang tao batay lamang sa panlabas na katangian nito.

Saludo kami sa mga batang ito at nawa ay patuloy nilang piliin ang mabuti habang sila ay lumalaki.

soure ; pinoyyan.com