Home Entertainment Gulong ng Motorsiklo na 100% Rubber Gawang Pinoy, Inilulunsad na sa Merkado

Gulong ng Motorsiklo na 100% Rubber Gawang Pinoy, Inilulunsad na sa Merkado

Ang pagbabago sa ating lipunan ay napakabilis, ang mga makabagong ideya para sa makabagong mundo at teknolohiya ay patuloy na lumalawak nang dahil na din sa galing at talento ng mga tao.

Ilulunsad ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry ang isa sa mga pinaka bagong brand ng motorcycle tires na halos 100% na gawang pinoy na ginamitan lamang ng local rubber na binili galing sa Pinoy Farmers.

Ang pormal na paglulunsad ng Pilipinas Agila Tires ay gaganapin sa Crowne Plaza Hotel sa Mandaluyong, Metro Manila sa ika-26 ng Abril. Ayon sa pag uulat ng Philippine News Agency.

Sa Pag launch ng Pilipinas Agila Tires ay isang hudyat ng pag sisimula ng nationwide marketing program na ang alok sa halaga ng gulong ay mababa para sa utility motorcycles gaya ng habal-habal at tricycle ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol na naka Post sa Facebook.

Sa launching ng Pilipinas Tires, imbitadong dumalo ang lahat ng mga motorcycle dealers upang makahingi ng suporta sa pamamagitan ng pag promote sa Pinoy-made na gulong ng motorsiklo sa mga Pinoy rubber farmers na kung saan ay napakahalaga ito para mas makilala ang mga gawang pinoy na hindi lamang sa local kundi makilala din ng ibang bansa kung gaano ka galing ang mga pinoy.

Dalawang taon na ang nakakaraan sa layong lebel ng mga magsasaka bilang processors na inorganisa ng Department of Agriculture ang Pilipinas Agila Tires na produkto ng Philippine Rubber Farmers Cooperative (PRFC), ani ni Sec. Pinol.

Halos Sampung Milyon ang na-iloan ng PRFC na may dalawang porsyentong interest kada taon na babayaran sa loob lamang ng walong taon mula sa Agriculture Credit Policy Council bilang start-up capital nito sa tire manufacturing business.

Ang lahat na ginawa na rubber cup lumps ng mga kasapi ng kooperatiba at iba pang rubber farmers ay mabibili at mang-gagaling sa puhunan na kung saan gagawing semi-processed rubber cubes ang rubber lumps hanggang sa maging SPR-20.

Source: Sec