Home Entertainment Panoorin Ang Nakakamanghang Performance Ng Isang Kalahok Sa Idol Philipines Na Kamukha...

Panoorin Ang Nakakamanghang Performance Ng Isang Kalahok Sa Idol Philipines Na Kamukha Umano Ni James Reid

Kilala ang mga Pinoy hindi lamang sa Pilipinas kundi na rin sa buong mundo dahil sa taglay nating galing pagdating sa musika. Marami nang mga Pinoy at Pinay ang sumikat sa buong mundo dahil sa kanilang galing sa pagkanta. Maliban pa rito, dahil na rin sa mga kaliwat kanang singing contest kung kaya’t nahahasa ang mga Pinoy sa pagkanta. Mahilig rin tayo sa videoke, sintunado man o maganda ang boses, hindi papatalo ang mga Pinoy sa kantahan.

Dahil diyan, pati na rin mga bigating network ay nagsasagawa ng mga singing competitions katulad na lamang ng ABS-CBN na nagkaroon ng Tawag ng Tanghalan, The Voice, at iba pa. At nitong nakaraan lamang ay nagsimula na ang pinakabagong singing competition sa Pilipinas, ang Idol Philippines. Ang Idol Philippines ay adaptation ng American Idol na isang sikat na singing competition sa Amerika.

Dito, naghahanap sila ng mang-aawit na magiging bukod tangi sa lahat ng kanyang mga katunggali. Apat ang hurado sa Idol Philippines na kinabibilangan ng Asia’s Songbird Regine Velasquez, Vice Ganda, Moira Dela Torre, at ang kasintahan ni Nadine Lustre na si James Reid.

Kamakailan lamang ay pinukaw ng isang auditionee hindi lamang ang puso ng mga hurado kundi pati na rin ng mga netizens. Binigyang hustisya ni Miguel Ordo ang kanta ng SWV na Weak. Bagama’t makakapasok na siya sa galing ng kanyang pag kanta ng Weak, sinulat niya ang lahat ng kantahin niya ang isang kanta na siya mismo ang gumawa at pagsulat.
Ayon kay Regine, namamangha talaga siya sa mga manunulat ng kanta dahil isa raw itong regalo sa kanila.

Pinuri rin ng batikang singer ang kanta ng 24-taong-gulang na pananalita at manunulat. Pero maliban sa kaniyang husay sa pagkanta at sa ganda ng kanyang sinulat na kanta, napansin rin ng mga hurado ang pagkakahawig ni Miguel kay James Reid. Sinang-ayunan ito ni James sa pamamagitan ng pagpunta sa auditionee para ikumpara ang kanyang mukha.

Ayon kay James, malaki raw ang tiyansa na magkaroon ito ng puwesto sa showbiz basta’t magkaroon lang raw siya ng kaunti pang “confidence.”
Sa husay niyang kumanta, at sa taglay niyang karisma, hindi malabong malayo ang kanyang mararating!

SOURE ; famoustrends.net