Home Entertainment Dani Barretto is now married to Xavi Panlilio

Dani Barretto is now married to Xavi Panlilio

Newlyweds Dani Barretto and Xavi Panlilio exchange a sweet kiss after their wedding ceremony at Santuario de San Antonio Parish in Makati City, earlier today, April 23.

Kasal na si Dani Barretto sa boyfriend niyang disc jockey na si Xavi Panlilio.

Ginanap ang wedding ceremony ng couple sa Santuario de San Antonio Parish, Makati City, ngayong Martes ng hapon, April 23.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa ex-boyfriend niyang si Kier Legaspi.

Ang kapatid ni Xavi na si Toby Panlilio ang excited na nag-post ng maiksing video nang opisyal na ideklarang husband and wife sina Xavi at Dani.

Nakunan din ni Toby ang kiss ng newly-married couple.

“My brother’s married! Yehey! Kasal na! You can kiss in public now,” sabi ni Tobi sa kanyang Instagram Story.

Sa written text ng kanyang post, pabirong hirit pa ng kapatid ni Xavi: “Pwede na mag momol in public!”

Xem bài viết này trên Instagram

📷 @jumpingchicken Xavi's brother Tobi #xavingdaniforever

Bài viết do Roxy Coco (@roxycoco12) chia sẻ vào

Nangungulit ding sinabi ni Toby na buti na lang ay hindi raw sumagot ng “no” si Dani nang tanungin kung tinatanggap ba nito bilang kabiyak si Xavi.

Ang best friend ni Dani na si Bela Padilla ay nagbahagi rin ng video ng kasal.

Minsan nang naikuwento ni Bela na unang nakilala ni Dani si Xavi nang magbakasyon ang mag-best friend sa La Union, noong May 2017.

WHY DANI’S FATHER IS NOT INVITED
Noong February 17, 2019, inanunsiyo ni Dani ang tungkol sa engagement nila ni Xavi.

Matapos ang ilang linggo, noong March 16, naglabas ng YouTube video si Dani kunsaan nagpaliwanag siya kung bakit hindi invited sa kanyang kasal ang ama niyang si Kier.

Inamin ni Dani na wala silang “solid relationship” ng kanyang ama at anim na taon na ang nakararaan nang huli niya itong makita.

“I guess when you’re apart for so long and you already grew up and nasanay ka na wala na yung tao sa life mo, you just feel, like, not naman that you don’t need the person… but it’s more like you’re okay without them.”

Nang sumunod na araw, March 17, naghayag ng congratulatory message si Kier para kina Dani at Xavi.

Nagpahiwatig din si Kier na hindi siya ang may kagustuhan kung bakit hindi niya magawang maging malapit sa anak.

GRETCHEN AND CLAUDINE’S CONTROVERSIAL IG LIVE
Kasunod nito ay lumikha ng kontrobersiya ang pagkumpirma ni Gretchen Barretto na sadyang inilayo umano ng kanyang kapatid na si Marjorie ang anak nitong si Dani kay Kier.

Base ito sa Instagram Live video ng magkapatid na Gretchen at Claudine noong March 21.

Dito rin sinabi nina Gretchen at Claudine na hindi sila imbitado sa kasal ni Dani.

soure ; pep.ph