Home Entertainment Pinasilip nila Julius Babao at Christine Bersola ang kanilang mala-Museum na bahay...

Pinasilip nila Julius Babao at Christine Bersola ang kanilang mala-Museum na bahay at mamangha sa dami ng artworks at paintings

Maraming mga pamilya na nangangarap na magkaroon ng sarili, maganda at presentabling bahay sa hinaharap, ang magkaroong ng pinapangarap na bahay ay hindi madali ngunit kapag ito ay iyong pinag tiyagaan ito ay iyong makakamit.

Marami ang mga bahay ngayon na itinatampok sa mga iba’t ibang palabas gaya na lamang ng bahay nina Julius Babao at Christine Bersola na sikat na broadcast journalist na nakatira sa mala-museong bahay na tinatawag na Casa Uccelo

Naitampok na ang Casa Uccelo sa mga iba’t ibang magazine at palabas sa telebisyon dahil sa pagkamalikhaing gawa at sa furniture.

Mala mid-century paintings, contemporary furniture, modern sculptures, at pop art toys na gawa ni Elmer Borlongan, Jose Santos III, at Leslie de Chaves

ang nilalaman ng kanilang sala.

Sa loob ng halos ilang dekada, nangongolekta na si Julius ng mga malikhaing piyesa, mula noong siya palamang ay nag uumpisa sa ABS-CBN hanggang sa unti-unti siyang nakikilala sa larangan ng mga bahay sa Pilipinas.

“Oh, it started in 1997-98, around that time. The landscape changed when the auction houses came into the picture,” pahayag niya.

Habang si Julius ay naglalakad sa SM ay nakikita niya ang mga paintings at nangangarap na mabili ito at makabili ng isang painting na obra ni Onib Olmedo na isa sa mga motibasyon ng mga larawan sa galeryang iyon.

“I was walking along the Art Walk in SM, and I was amazed by Olmedo’s artworks, [They were] expressionist, very strong ‘yung mga subjects, and he used pastel on felt so it was different. But before that, I didn’t know anything about art collecting

So I asked the gallery manager how much the painting was, and he told me it was about 40,000 pesos, and I was just starting out in ABS-CBN, and I couldn’t afford it. So sabi ko, ‘maybe someday I could afford an Onib. Someday, but not now,” wika niya.

Ngayon ay kayang-kaya nang bilhin ni Julius hindi lamang mga paintings at ito naring ilang mga obra ni Onib at piyesa ng international artists gaya ng Pepper na isang Austrian-Irish visual painter Gottfried Helnwein, na isa sa mga pinaka mahalagang piyesa sa kanilang bahay.

Binangit niya na mas pagtuunan ng pansin ang mga bagay na gusto ng bawat isa kaysa sa halaga nito

Sabi ni Julius, “Ako kasi, the advice that was always given to me when I was starting out is to buy paintings that I liked, paintings that I’m attracted to, not for the investment value.

But nowadays, kasi, because of the auctions, the prices of artworks are going up, the focus now is being concentrated on the arts, with many young collectors and older businessmen buying art because of investment [purposes].”

Ang pagkakaroon ng magandang bahay ay bunga ng sipag at tiyaga ng mga nangangarap nito. Hindi ito madali ngunit posible ito kung pag tutuunan ng oras at pagsisikap. Tunay ngang napakaganda ng bahay nina Julius at Christine at inulan ito nga papuri’t komento sa social media.

soure ; thetrendingplanet.com