Home Entertainment YouTube star Mikey Bustos comes out as gay; admits relationship with manager...

YouTube star Mikey Bustos comes out as gay; admits relationship with manager RJ Garcia

Inamin ng YouTube sensation na si Mikey Bustos na karelasyon niya ang kanyang longtime manager na si RJ Garcia.

Si Mikey ay isang Filipino-Canadian vlogger na sumikat dahil sa kanyang kuwelang videos patungkol sa Filipino culture.

Si RJ—na kaibigan at kapitbahay ni Mikey sa tirahan niya rito sa Pilipinas—ay nagsilbing manager niya mula 2012.

Ito rin ang unang pagkakataong kinumpirma ni Mikey ang kanyang sexual orientation at pagiging bahagi ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community.

Noong Easter Sunday, April 21, ibinahagi ni Mikey sa pamamagitan ng Instagram post ang wacky picture nila ni RJ na kuha sa White Beach sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

May caption itong “Happy Easter #NewLife” na may kalakip na Easter egg, heart, at rainbow flag emojis.

Xem bài viết này trên Instagram

Happy Easter! 🐣❤🏳️‍🌈 #NewLife

Bài viết do Mikey Bustos (@mikey_bustos) chia sẻ vào

Sinundan ito ni Mikey ng isa pang backshot photo nila ni RJ sa beach kahapon, April 22.

Nakasaad sa caption nito ang salitang “Freedom” na may kasama ulit na heart at rainbow flag emojis.

Xem bài viết này trên Instagram

Freedom 🏳️‍🌈❤🌅

Bài viết do Mikey Bustos (@mikey_bustos) chia sẻ vào

Ang rainbow flag ay karaniwang ginagamit na simbolo ng mga miyembro ng LGBT community.

MIKEY COMES OUT AS A PROUD LGBT MEMBER
Sa sumunod niyang Instagram post kahapon, inilahad ni Mikey na ilang linggo pa lang ang nakararaan mula nang umamin siya sa kanyang ama na siya ay bahagi ng LGBT community.

Lubos daw ang kasiyahan ni Mikey dahil buong-puso raw tinanggap ng kanyang ama ang pagkatao niya.

“Figuring out how to navigate life in the most authentic and positive way has been such a long +37 yr journey for me, and at this moment, I feel I’ve reached some kind of karmic jackpot!

“It’s 2019 (as my dad put it when I came out to him a few weeks ago), and a great time to be alive LGBT.

“#FilipinoPRIDE”

Kasabay nito ay bumuhos ang comments mula sa followers ni Mikey na nagsasabing “#lovewins” bilang pagtukoy sa positibong suportang nakukuha ng LGBT couples.

Nagpasalamat si Mikey dahil suportado ng mga ito ang rebelasyon niya kaugnay ng kanyang sexual orientation at karelasyon.

“Life is sweet! [heart and rainbow flag] Thank you for the outpouring of love, guys.

“@Appleboyrj and I see all your messages and never in our wildest dreams would have imagined the amount of support coming in from all corners of cyberspace, media, and the world!”

STORY ABOUT COMING OUT
Dagdag pa ng Filipino-Canadian YouTube star, isa sa mga araw na ito ay magkukuwento siya tungkol sa pinagdaanan niya bago nagdesisyong isapubliko ang tungkol sa kanyang pagkatao.

“Dear friends and family, it’s been a crazy month to say the least.

“Promise, all questions and answers will be addressed in a vlog (coming soon to #mikeybustosvlogs), but as for now, we’re still on a Youtube break, enjoying this new life that just got real darn interesting! [heart and rainbow emojis]

“Love you, guys and thank you for being my blanket!”

soure ; pep.ph