Home Entertainment ABS-CBN reporter, kinilig sa tweet ng Kapuso anchor na si Atom Araullo...

ABS-CBN reporter, kinilig sa tweet ng Kapuso anchor na si Atom Araullo tungkol sa lindol

Ang malakas na lindol na naramdaman sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan kahapon, April 22, ang dahilan para maisapubliko ng former beauty queen at TV Patrol showbiz news reporter na si Ganiel Krishnan ang matinding paghanga nito sa broadcast journalist na si Atom Araullo.

Sa gitna ng kalamidad at kaguluhan na nangyari kahapon na kumitil ng mga buhay at sumira sa maraming ari-arian, nagawa pa ni Krishnan na kiligin dahil nakita ni Atom ang kanyang tweet tungkol sa lindol.

Walang kamalay-malay si Atom na isang babae ang kanyang pinaligaya dahil ni-repost niya ang tweet ni Krishnan

Dinaig pa ni Ganiel ang teenage school girl sa tweet nito na “Omg, my all time reporter crushy. Ako yan guys! Nakita niya tweet ko guyzzz hahaha.”

Lalong kinilig si Krishnan sa suggestion ng isang follower niya na “AtNiel” ang puwedeng itawag sa tandem nila ni Atom.

Kung alam ni Krishnan ang kuwento ng pag-alis ni Atom sa ABS-CBN at paglipat nito sa GMA-7, baka nagdalawang-isip siyang i-broadcast sa social media ang pagiging fangirl niya dahil posibleng hindi matuwa ang management ng kompanyang kanyang pinaglilingkuran.

Dapat ma-realize ni Krishnan na kahit showbiz news reporter siya, walang dahilan para magpaka-showbiz siya dahil hangga’t konektado siya sa ABS-CBN, dala-dala niya ang pangalan ng kompanya.

SCENES FROM THE EARTHQUAKE
Meanwhile, may mga insensitive comment tungkol sa lindol ang binura ng netizens na obvious na nakonsensiya nang malaman nila na may mga kababayan tayo sa Pampanga na namatay dahil sa mapaminsala na lindol.

Mabilis ding kumalat sa social media ang mga video ng mga gusali sa Metro Manila na naapektuhan ng lindol na isang eye-opener dahil napatunayan nating marami na talaga ang mga Chinese mula sa mainland China na naninirahan sa Pilipinas.

Mga Chinese na nagsasalita ang maririnig sa background sa mga video ng mga building na gumagalaw na naka-post sa iba’t ibang social media platforms.

Isang netizen ang nag-post sa kanyang Facebook account ng video ng mga Chinese employee na lumabas mula sa building ng opisina na kanilang pinaglilingkuran sa may Diosdado Macapagal Avanue, sa Pasay City.

Nagmukhang dayuhan sa sariling bayan ang Pinoy netizen dahil napapaligiran siya ng mga Chinese-speaking people.

May mga Pilipino namang nag-video sa sarili at sa kanyang mga kasamahan habang bumababa sa fire exit at sigaw nang sigaw na huwag mag-panic, pero malinaw sa tono ng boses niya na siya ang nangunguna sa pagpa-panic.

Dinaig pa ng isang paslit na bata ang matatanda na nag-unahan sa paglabas ng building dahil kalmante lamang siya habang nagtatakbuhan ang mga tao sa paligid niya.

soure ; pep.ph