Home Entertainment Maine Mendoza, Arjo Atayde spend Holy Week in Bali

Maine Mendoza, Arjo Atayde spend Holy Week in Bali

Maine Mendoza and Arjo Atayde have been spotted vacationing in Bali, Indonesia (left) during Holy Week break. The two were also seen accommodating photo-ops at the Ninoy Aquino International Airport (right) last April 17.

Kumalat sa social media nitong nakaraang linggo ang mga larawan ng Kapuso star na si Maine Mendoza at Kapamilya actor na si Arjo Atayde na magkasama diumano sa Bali, Indonesia.

May nagpadala pa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng larawan nina Maine at Arjo na kuha sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago sila lumipad patungong Indonesia.

Magkasama diumano sina Maine, Arjo, at ilan pang kaibigan sa Bali upang magbakasyon nitong nakaraang Holy Week.

May nag-upload din sa social media ng larawan nila na nasa Bali.

Matagal na ang “exclusively dating” status ng dalawa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Maine at Arjo kung sila ba ay officially “in a relationship” na.

soure ; pep.ph