Home Entertainment Family Bonding: Zoren, Carmina, Cassy at Mavy, sa South Korea nag-Holy Week

Family Bonding: Zoren, Carmina, Cassy at Mavy, sa South Korea nag-Holy Week

Imahe mula sa Instagram (@mina_villaroel)
Ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel, kasama ang kanilang kambal na anak na sina Cassy at Mavy, ay nagbakasyon sa South Korea nitong holy week.

Makikita sa mga Instagram post ng aktres, na isang self-confessed Korean drama fan, na tuwang-tuwa siya sa kanilang bakasyon sa ibang bansa.

Imahe mula sa Instagram (@mina_villaroel)
Bumisita sila sa Petite France, isang French-style theme park sa Gyeonggi Province. Mula sa Seoul ay 45 minutes ang biyahe papunta rito.

Tinatawag itong The Little Prince Park. Makikita ang maraming paintings, sculptures, at art works tungkol sa French novel.

Masaya rin si Carmina na makakita ng cherry blossoms. Sa katunayan, noong ikinasal sila taong 2012, cherry blossoms ang isa sa highlights ng kanilang wedding set-up.

Makikita rin sa mga larawan na nag-enjoy ang magkapatid na sina Mavy at Cassy.

Nagpunta rin ang pamilya sa Nami Island kung saan kinunan ang sikat na Korean series na Winter Sonata noong 2002.

Namasyal sila sa Gyeongbokgung Palace, isang sikat na tourist site sa bansa.

Hindi ito ang unang out-of-the-country bonding ng pamilya.

Noong June 2017 ay lumipad sila patungong US para sa isang buwang bakasyon pagkatapos ng Moving Up ceremony ng mga bata.

Pumunta sila sa Santana Row, isang outdoor shopping mall sa San Jose, California. Nagpunta rin sila San Francisco, kung saan makikita ang Alcatraz Island na nagsilbing military prison noong 1870s.

Imahe mula sa Instagram (@mina_villaroel)
Sa Los Angeles City naman nila ipinagdiwang ang Father’s Day. Nag-enjoy si Zoren sa pagba-bike sa Laguna Beach, Balboa Island, at Angel Island.

Nag-groufie din ang pamilya sa Golden Gate Bridge at Warner Bros. Studio.

Nasundan pa ang kanilang out of the country bonding nang nagpunta sila sa Japan noong December 2017.

Base sa kanilang Instagram posts, nag-enjoy sila sa Fujiten Snow Resort na malapit sa Mt. Fuji at sa Tokyo Sky Tree. Naglalaan talaga sila ng panahon para sa kanilang family travel goals.

Source :Instagram