Home Entertainment 32 years old na babae, Sikat ngayon sa Social Media dahil sa...

32 years old na babae, Sikat ngayon sa Social Media dahil sa kanyang height at batang itsura

Tuwing mayroon tayong mga anak na maliliit pa lamang, palagi natin itong pinapakain ng mga masusustansyang pagkain at mga bitamina na makakapanigurado sa kanilang malusog na paglaki at pagtanda. Hindi nagtatapos dito ang ating trabaho sapagkat patuloy natin silang pinapaalalahanan na palaging matulog sa tamang oras at gumising at bumangon din naman sa tamang oras sa umaga, uminom ng madaming gatas upang lumaki tayong mayroong matitibay na buto at pangangatawan, at palaging pinagsasabihan na huwag magbubuhat gamit ang ating mga likod. Sa kabila ng mga ito, kakaunti lang talaga ang ating magagawa para matiyak ang malusog na paglaki ng ating mga anak sapagkat ang ating pisikal na anyo at katawan ay nakasalalay sa ating mga genes at sa kung paano natin ito pinapangalagaan.


Photo Credit: Goodtimes

Ang isang Chinese na babaeng nagngangalang Ren Pei Yun mula sa Wenzhou, Zhejiang province ay tumatanda ngunit, di katulad ng karamihan, ay hindi lumaki ang pisikal na pangangatawan bagkus ay palagi siyang napagkakamalan na isang maliit na bata.


Photo Credit: Goodtimes

Ang ilan ay magsasabing napakamalas naman niya at hindi siya lumagpas sa kaniyang tangkad na 51 inches ngunit para kay Ren Pei Yun ay balewala lamang ito at hindi siya nagpapaapekto sa kaniyang karamdaman at likas na kaliitan.


Photo Credit: Goodtimes

Kabaliktaran naman ng kaliitan ng kaniyang pisikal na katawan ay ang kaniyang malaking pangarap at positibong personalidad na tumulong naman sa pagtupad sa kaniyang pangarap na makapagtanghal sa harap ng maraming tao sa mga malaking tanghalan bilang isang mang-aawit.


Photo Credit: Goodtimes

Kung gaano man kalaki ang kaniyang narating sa punto ng buhay niya ngayon, ganoon naman kaliit ang kaniyang pagtitiwala sa sarili niya noong siya’y bata pa sapagkat ang kaniyang kaliitan ay karaniwang naging daan upang siya ay tuksuhin ng mga bata sa kaniyang paligid noong siya musmos na bata pa lamang. Matagal na panahon at madaming mga hindi magagandang mga salita ang kaniyang natanggap bago niya malagpasan ang mga ito papunta sa kaniyang pangarap.


Photo Credit: Goodtimes

Ang kaniyang buong pamilya ay normal naman ang tangkad at laki, ngunit kahit na ganito ay wala namang naging problema sa kanila hanggang sa isang beses na hindi hinayaang mag-aral sa elementary school si Ren. Mula dito at sa kaniyang pangungutya na natatanggap, ang ama ni Ren na isang may-ari ng isang tindahan ng prutas ay naghanap ng mga eksperto sa medisina upang makahanap ng potensyal na lunas sa kung ano man ang mayroon sa kaniyang anak ngunit wala din silang napala. Noong 9 taong gulang na si Ren ay pinayagan na siyang makapag-aral sa elementary school dahil sa pressure na binigay ng kaniyang pamilya sa paaralan.


Photo Credit: Goodtimes

Pagkatapos ng kaniyang kabataan, sinubukan niyang maging isang mang-aawit sa edad na 21 taong gulang at siya naman ay matagumpay na tinanggap ng Beijing Heart of the Disabled Art Troupe kung saan niya naramdaman na pinakatanggap at komportable siya. Sunod naman ay hinangad niya din na magmay-ari ng isang online fashion store at makikita na gustong-gusto at tinatangkilik ng mga tao ang kaniyang mga disenyo. Kasalukuyang pinapatakbo ni Ren ang kaniyang business at walang indikasyon na siya ay babagsak mula dito.

Source: Goodtimes