Home Entertainment Kisses Delavin concert, sold out na!

Kisses Delavin concert, sold out na!

JERRY OLEA: Sold out na ang solo concert ni Kisses Delavin na A Life Full of Kisses na nakatakda sa Abril 25, Huwebes, sa The Music Museum, Greenhills Shopping Center, San Juan City.

Tweet ito ng Star Magic, at post ng Kapamilya Online World sa Facebook nitong Abril 15, Lunes. Trending sa Twitter!

Guests ni Kisses sa concert sina Marlo Mortel, AC Bonifacio, at Six Part Invention.

Ang halaga ng tiket ay P2850 (SVIP), P2000 (VIP), at P1000 (Balcony).

Kumusta naman ang ticket sales sa grand album launch ng MayWard na nakatakda sa Abril 28, Linggo, 6 P.M. sa Skydome ng SM North EDSA, QC?

“Malapit nang ma-sold out,” sabi ni Roxy Liquigan (ng Star Music) nang maka-chat ko sa Messenger nitong Lunes ng gabi, April 15.

Ang halaga ng tiket sa album launch nina Maymay Entrata at Edward Barber ay P1500, inclusive of Mayward digipack, drawstring bag, meet & greet, at photo op.

NOEL FERRER: Bakit wala si Donny Pangilinan as guest sa concert ni Kisses?

Hindi ba, sa pelikulang Walwal pa lang hanggang sa Kapamilya morning show na Playhouse, sila na ang bini-build up na love team?

Gusto bang patunayan ni Kisses na hindi niya kailangan si Donny para ma-sold out ang kanyang concert? Magsu-surprise appearance na lang ba ang kumakanta ring si Donny?

Sana!

soure ; pep.ph