Home Entertainment Phenomenal Star na si Maine Mendoza, Hindi Pinalampas ang Pagkakataon na Makapagpa-tattoo...

Phenomenal Star na si Maine Mendoza, Hindi Pinalampas ang Pagkakataon na Makapagpa-tattoo sa Pinakamatandang Mambabatok na si Apo Whang-Od!

Nakilala si Maine Mendoza sa mundo ng showbiz dahil sa pagiging kwela at natural nito sa harapan ng camera. Umusbong ang kanyang showbiz career simula ng mapasama siya sa “Dabarkads” ng noontime show na Eat Bulaga ng GMA 7.Simula noon ay sunod-sunod na ang pagbubukas ng mas malalaki pang oportunidad sa dalaga ngunit nanatili siyang tapat sa noontime show at hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa mga nagpapasaya sa mga manonood ng nasabing palabas.

Samantala, kamakailan lang ay napabalitang nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na makita at makausap ang pinakamatandang mambabatok na si Apo-Whang-Od. Ito ay naging posible dahil na rin sa programang Eat Bulaga. Ayon sa report, nasa Kalinga Province sina Maine at ang kasamang Dabarkads na si Paolo Ballesteros para sa shooting ng kanilang maikling serye na ipapalabas sa nalalapit na Mahal na Araw. Habang break sa shooting ay napagdesisyunan ng dalawa na dalawin ang sikat na sikat na mambabatok na si Apo Whang-Od. Ito ay sa kabila ng babala ng mga lokal na kinakailangan nilang pagdaanan ang isang oras na paglalakad para makarating sa bahay ni Whang-Od.


(Courtesy: instagram.com/mainedcm)

Sa tulong na rin ng ilan nilang kasama sa set ay narating nga ni Maine at Paolo ang bahay ni Whang-Od at nagulat sila kung gaano pa ito kalakas at ka-kwela kahit na 102 taong gulang na ang kaniyang edad!

“Super kulit as in 102 years old na siya pero super nakikipagharutan pa rin sa ‘min. Malakas pa siya.”,pahayag ni Maine sa isang panayam sa kanya.


(Courtesy: instagram.com/mainedcm)


(Courtesy: instagram.com/mainedcm)

Nagpatattoo si Maine ng tatlong tuldok sa babang bahagi ng kaniyang binti ngunit hindi na ipinaliwanag sa interview kung ano ang ibig sabihin nito.


(Courtesy: instagram.com/mainedcm)

Dahil naman sa angking galing ay nominado si Apo Whang-Od ng Senado ng Pilipinas para Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA) o ang tinatawag na National Living Treasures Award. Siya nalang kasi ang natitirang may alam ng pinakalumang tradisyon sa pagbabatok at napapanatili niya ring buháy ang ating kulturang Pinoy pagdating sa nasabing sining.

Source: pinoyyan.com