Home Entertainment Kilalanin Ang Napakagandang Anak Ni Raffy Tulfo At Alamin Kung Paano Nga...

Kilalanin Ang Napakagandang Anak Ni Raffy Tulfo At Alamin Kung Paano Nga Ba Nito Inilarawan Si Raffy Bilang Ama!

Hindi biro ang pagiging isang ama lalo na kapag may babae kang anak. Ito ang isa sa mga pinakamalaking pagsubok mo, ang mapalaki ng maayos at mabuting tao ang iyong mga anak. Bilang isang haligi ng tahanan, ikaw rin ang dapat ang maging sandigan ng tahanan, ibig sabihin nito ay dapat ikaw ang nagtataguyod sa iyong pamilya para mabigyan sila ng pagkain sa araw-araw.

Ganito rin ang eksena ng batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo. Bagamat kilala bilang isa sa mga pinakamatapang na mamamahayag sa Pilipinas, isa pala siyang mapagmahal na ama sa kanyang anak na babae na si Maricel. Palaging trending ang programa ng 58-taong-gulang na mamamahayag dahil sa mga maanghang na panenermon nito sa mga bisita niyang hindi tama ang ginagawa. Matatapang rin ang kanyang mga binitawang salita laban sa mga taong sa tingin niya ay mali ang pananaw sa buhay.

Pero sino nga ba ang mag aakala na ang matapang na si Raffy Tulfo ay isang mabait na ama sa kanyang anak. Sinabi ni Maricel na simula noon pa lamang ay daddy’s girl na raw siya. Lumaking maganda si Maricel, salamat kay Raffy na sobrang pinagmamalaki ang kaniyang napakaglamorosang anak.

Hindi rin raw takot si Maricel magkwento sa kanyang daddy Raffy kahit pa tungkol ito sa kanyang buhay pag-ibig. Iba rin raw ang isang Raffy Tulfo sa harap ng kanyang pamilya at kaibigan. Sa katunayan, magkaibigan lamang ang turingan nila ni Maricel. Bagamat may kaunting tampuhan, sinusubukan nilang resolbahin ito agad agad para hindi na humaba.

Dapat ito ang maging modelo ng mga kapatagan sa buong mundo. Mainam na naman na maging istrikto pero wag sobra dahil baka maging dahilan ito upang maglihim ng lubusan sa inyo ang inyong mga anak. Mabuti nang maging maluwag ng kaonti at huwag masyadong seryoso para gumaan ang pakiramdam ng inyong mga anak sa inyo.

Source: famoustrends.net